LatestNewsTOP STORIES

26 Nailigtas Matapos Gumuho ang 9-Storey Under-Construction Building sa Angeles City, Pampanga

angeles-city-9-storey-building-collapse-26-rescued-may-24-2026Umabot na sa 26 katao ang nailigtas matapos gumuho ang isang itinatayong siyam na palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga nitong Linggo ng madaling-araw, Mayo 24.

Ayon sa ulat ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), bandang alas-3 ng madaling-araw nang bumagsak ang under-construction na gusali sa Teodoro Street, na agad nagdulot ng malawakang search and rescue operation.

Batay sa Angeles City Information Office, 24 na indibidwal ang na-rescue mula sa gumuhong istruktura, habang dalawa pa ang nailigtas mula sa kalapit na apartelle na tinamaan din ng insidente.

Agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) at DRRMO para sa search, rescue, at retrieval operations, habang ang Philippine National Police (PNP) ay nakaantabay para sa seguridad at crowd control sa lugar.

Nasa lugar din si Angeles City Mayor Carmelo Lazatin II upang pangasiwaan ang koordinasyon ng mga ahensya at tiyakin ang mabilis na pagresponde at tulong sa mga apektadong indibidwal.

Patuloy pa ang operasyon sa lugar upang alamin kung mayroon pang mga na-trap sa gumuhong gusali, habang isinasagawa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente.

Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na umiwas muna sa lugar upang hindi makaabala sa patuloy na rescue operations.

Leave a Reply