LatestNewsShowbiz ChikaTOP STORIES

John Arcilla, may pasaring sa desisyon ng Senado sa impeachment ni VP Sara: “Nakakakilabot!”

pinasnow13062025_1Nagpaabot ng matinding pahayag si award-winning actor John Arcilla kaugnay sa naging hakbang ng Senado na ibalik sa Mababang Kapulungan ang mga Articles of Impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte—isang galaw na umani ng batikos mula sa publiko at ilang personalidad.

Noong Martes, Hunyo 10, bumoto ang Senado, na kumikilos bilang impeachment court, ng 18-5 para isauli sa Kamara ang mga artikulo matapos ang ilang oras na deliberasyon ng mga senador-hukom.

Bagamat walang direktang binanggit si Arcilla sa kanyang Facebook post, agad itong inugnay ng netizens sa naging hakbang ng Senado dahil sa sabay na timing ng kanyang mensahe.

Ani Arcilla sa kanyang post:
“Dumb. Dumber. Dumberer. Dumberest and Dumberestest. Nakakap*ta ng ina. Ang nakakakilabot, merong alam mo na hindi naman talaga TANGA pero nagtatanga-tangahan kasi TANGA at MANGMANG ang tingin nila sa mamamayang Pilipino.”

Umalingawngaw ang kanyang komento sa social media, na sinang-ayunan ng maraming netizens na dismayado rin sa pagbalewala umano ng Senado sa proseso ng impeachment.

Nauna na ring nagbigay ng kanyang saloobin si TV host Bianca Gonzalez, na nagsabing ang nangyayari ngayon ay kahalintulad ng mga naganap noong EDSA People Power 2, kung saan pinatalsik si dating Pangulong Joseph Estrada matapos ang impeachment trial laban sa kanya.

Patuloy na pinag-uusapan ang isyu sa social media, habang umaasa ang publiko na mananaig ang hustisya at tunay na representasyon sa mga darating na araw.

Leave a Reply