EntertainmentFEATUREDNewsShowbiz ChikaTOP STORIES

Kiefer Ravena at Diana Mackey, Ikinasal na!

pinasnow12062025_5Ikinasal na sina basketball star Kiefer Ravena at beauty queen-turned-actress Diana Mackey!

Sa mga larawan at video na ibinahagi ng kanilang mga bisita at ni Kiefer mismo sa kanyang Instagram Stories, makikitang napaka-elegante ng naging pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib.

Suot ni Diana ang isang puting lace wedding gown na may scoop neckline na likha ng kilalang designer na si Francis Libiran. Kumpleto ito sa belo na may lace na akmang-akma sa kanyang gown.

Habang si Kiefer ay bumagay naman sa isang classic white tuxedo jacket, puting dress shirt, at itim na bow tie, may kasamang orange boutonniere bilang finishing touch.

Matatandaang noong Oktubre 2024 nila unang isinapubliko ang kanilang relasyon sa hiwalay na Instagram posts. Ilang araw matapos nito, inanunsyo naman ni Kiefer ang kanilang engagement sa pamamagitan ng photo dump kung saan makikita sa huling slide si Diana na suot na ang kanyang engagement ring.

Noong Marso, ibinalita rin ng magkasintahan na sila ay naghihintay ng kanilang unang anak.

Bago ang kasal, naglabas din sila ng mga prenup photos na kinunan sa isang napakagandang beach location.

Congratulations, Mr. and Mrs. Ravena!

Leave a Reply