Senate Minority Nag-Walkout sa Online Voting Rule, Inakusahan ang Majority ng ‘Railroading’
MANILA — Nag-walkout ang Senate minority noong Martes matapos ang mainit na debate hinggil sa panukalang payagan ang online participation at pagboto ng mga senador sa plenary sessions.
Ang mosyon ay inihain ni Sen. Rodante Marcoleta noong Mayo 11 upang pahintulutan ang mga senador na dumalo at makilahok sa sesyon sa pamamagitan ng remote means sa ilalim ng “justifiable” circumstances.
Lumala ang tensyon matapos kuwestiyunin ng minority bloc ang umano’y minamadaling proseso ng pag-amiyenda sa Senate rules.
“We strongly condemn what appears to be an attempt to rush a major change in the Senate Rules, especially when several members of the minority still wanted to speak and raise serious questions on the floor,” ayon sa joint statement ng minority senators.
Dagdag pa nila, ang naturang panukala ay may malaking epekto sa paraan ng pagdalo at pagboto ng mga senador kaya dapat umano itong dumaan sa masusing deliberasyon at pampublikong debate, hindi sa “tyranny of the majority.”
Nagtaas din ng tanong ang minority kung minamadali ang rule change upang payagang makaboto si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
“Minamadali ba ang rule change na ito dahil gusto nilang maka boto si Senator Bato? At ngayong may mga ulat na may mga majority senators na maaaring arestuhin?” saad ng grupo.
Inakusahan din ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang majority bloc ng umano’y “railroading” sa amendments ng Senate rules.
Kalaunan ay ipinasya ni Senate President Alan Peter Cayetano na ipaboto ang usapin, ngunit nag-walkout ang minority senators mula sa plenaryo. Dahil dito, nawalan ng quorum at hindi natuloy ang voting sa mosyon.
Si Loren Legarda, na siyang presiding officer ng sesyon, ay kalaunang umaksyon sa mosyon para i-adjourn ang sesyon hanggang Hunyo 1.
Share this:
- Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook
- Click to share on X (Opens in new window) X
- Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email
- Click to share on LinkedIn (Opens in new window) LinkedIn
- Click to share on Reddit (Opens in new window) Reddit
- Click to share on Pinterest (Opens in new window) Pinterest
- Click to share on Telegram (Opens in new window) Telegram
- Click to share on Threads (Opens in new window) Threads
- Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp

